BUNOT that THING!

https://www.youtube.com/watch?v=0KkIAe1HSSM

Nais niyo bang tumuklas ng mga Filipinong salita hindi kadalasan ginagamit? Nais niyo bang tumawa habang may natutunan? Ang vlog na ito ay nakakapukaw ng atensyon lalo na sa ating mga pilipino dahil marami sa atin ang nakakalimot o edi kaya hindi pinagtutuunan ng pansin ang sarili nating wika.

Ang alintuntunin ng larong ito ay bubunot ang isang kalahok ng isang salita at kailangan niyang hulaan ang salita base sa kanyang nalalaman. Sunod naman ay bubunot siya sa ikalawang bunutan ng kanyang gagawing hamon kung sa anong paraan nya gagamitin ang salita maaring itong gamitin sa hugot, pangungusap at joke. Kapag hindi niya ito nagawa, siya ay bubunot muli ng isang dare; isang halik, sayaw at acting. 

Ang mga kalahok ay hindi nakahula ng tamang sagot kaya lahat sila ay nabigyan ng dare. Ang iba sa kanila ay sumayaw, meron ding nagdrama at sinubukang gumawa ng isang joke.  Lahat ng mga salitang kanilanag nabunot ay hindi pamilyar sa kanila kaya ito ay hindi nila nasagot. Kahit hindi nila ito nahulaan ng maayos, sila pa rin ay natuwa habang nilalaro ang ‘BUNOT that THING’.

Habang pinapanood ko ang vlog, ako ay may natutunan dahil ang mga salitang nabunot ng mga kalahok ay hindi ko rin alam. Nalaman ko na ang mga salitang ingles katulad na ng underwear ay may salin pala sa tagalog: Salongganisa. Ako rin ay natuwa habang pinapanood ito dahil sa kakaibang reaksyon ng mga kalahok lalo na nung sila ay bunot ng salita, napaghahalataang bago sa kanila ang salita at hindi pa nila ito naririnig. Bilang isang tagapanood ay namangha ako sa kanilang konsepto. Bilang isang membro ng ikalawang grupo ay nakita ko na kaming lahat ay nagkakaisa at handag makinig sa mungkahi at opinyon ng bawat isa. Kami rin ay nag-enjoy sa pagplano at paggawa ng proyektong ito.

 

 

Leave a comment